AUTHOR/S: Zaynab A. Cortez, Ruel M. Soriano, Jean L. Royo
DATE COMPLETED: February 1, 2013
KEYWORDS:
ABSTRACT
Napansin ng mga mananaliksik ang kahirapan ng mga mag-aaral sa Mataas na Paaralan ng Ateneo de Davao sa larangan ng pag-unawa sa kanilang binasa dahil sa kakulangan ng estratehiyang magamit sa pag-unawa o maging ng kasanayan ng mga mag-aaral at guro sa paggamit ng mga estratehiyang makatutulong sa pag-unawa sa binasang mga teksto. Lumabas sa aming pag-aaral na hindi na gaanong umaangkop sa pangangailangan ng mga mag-aaral upang umunawa sa binasa ang sa pananaw ng mga guro ay epektibong estratehiya. Nasa antas na minsan lamang ang tulong na naibibigay ng mga estratehiyang ginagamit ng guro para mapaunlad ang kakayahan sa pag-unawa ng mga mag-aaral. Marami rin sa mga estratehiya na ginagamit ng guro ay hindi nabubuo ang kabuuang proseso kaya hindi gaanong napapaigting ang tulong nito sa mga mag-aaral.
Kaugnay ng mga resultang ito, inirerekomenda namin na kailangang magkaroon ng pagsasanay ang mga guro ng mga makabago at iba pang estratehiya sa pag-unawa sa tekstong binasa na aangkop sa pangangailangan ng mga mag-aaral. Dapat maituro sa mga guro ang tamang proseso ng paggamit ng mga estratehiyang pinag-aralan sa pananaliksik upang maisagawa ang kabuuan ng proseso sa pagtuturo. Dapat ding masukat ang bisa sa pagkatuto ng mga estratehiyang ito sa pamamagitan ng pagsasagawa ng panibagong pag-aaral.
Request for Full Article (Please fill in the needed details. We will promptly respond to your request thru your e-mail.)
[contact-form-7 404 "Not Found"]