Pananaw at mga Kaluguran ng mga Mag-aaral sa Pagkatuto ng Filipino sa K-12 sa Pamantasan ng Ateneo Yunit ng Haiskul

AUTHOR/S: Jean Lopez-Royo, Diana Gracia L. Lacano, Maida Limosnero-Ipong

DATE COMPLETED: December 02, 2015

KEYWORDS: 

ABSTRACT

             Isa sa napakahalagang salik na dapat pagtuunan ng pansin ng bawat paaralan upang higit na matuto ang mga mag-aaral sa wika ay ang guro, pagtataya, kapaligiran at ang mga paksa at mga akdang pinapabasa ng mga guro sa mga mag-aaral. Ang mga salik na ito ay tinatayang nakaaapekto sa pagkatuto ng mga mag-aaral lalo na sa wika. Sa pag-aaral na ito, inalam ng mga mananaliksik ang pananaw at kaluguran ng mga mag-aaral hinggil sa kanilang pagkatuto ng Filipino sa K-12. Ang pag-aaral ay isinagawa sa Pamantasang Ateneo de Davao, yunit ng Haiskul, taong panuruan 2014-2015.

                        Layunin ng pag-aaral na itong malaman ang pagkakaiba ng  pananaw at kaluguran ng mga mag-aaral ayon sa kanilang baitang na may kinalaman sa guro, pagtataya, kapaligiran at mga akda at paksang tinalakay. Deskriptibo-komparatibo-relasyonal ang disenyo ng pag-aaral at gumamit ng talatanungan sa pangangalap ng datos.

                        Base sa resulta ng pag-aaral na ito, napag-alaman na ang pamamaraan ng paglalahad ng guro at maging ang pagtatayang kanilang binuo ay kinakailangang higit na mapagtibay at maiangkop sa pangangailangan ng mga mag-aaral. Ang kapaligiran din ay nararapat na sumuporta sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa Filipino upang ito ay pahalagahan ng mga mag-aaral.

                        Inirekomenda ng pag-aaral na ito na bigyan ng nararapat na pagsasanay ang mga guro upang higit na maiangkop ang mga pagtataya at istratehiyang gagamitin sa pagtuturo upang higit na matuto ang mga mag-aaral at upang makabuo ng isang epektibo at positibong kaligiran na magdudulot ng matagumpay na pagkatuto ng mga mag-aaral.

Request for Full Article (Please fill in the needed details. We will promptly respond to your request thru your e-mail.)

[contact-form-7 404 "Not Found"]