AUTHOR/S: Evangeline D. Algabre, Mesfah G. Isunza, Elvira L. Tabano
DATE COMPLETED: December 05, 2014
KEYWORDS:
ABSTRACT
Ang asignaturang Special Filipino sa Ateneo de Davao High School ay nauukol sa mga Pilipino at banyagang mag-aaral na walang sapat na kakayahang gumamit ng wikang Filipino sa akademikong paraan. Layunin ng asignaturang ito na linangin ang kakayahan ng mga mag-aaral sa paggamit ng Filipino bilang pangalawang wika – sa pakikinig, pagsasalita, pagbasa at pagsulat.
Sinimulan ang pagtuturo ng Special Filipino noong taong panuruan 2004-2005. Nagkaroon ng dalawang pangkat ng mga mag-aaral para sa nasabing asignatura: panimula (beginner) at intermedya (intermediate). Nagkaroon ng apat na pull-out classes ng Special Filipino simula noong taong panuruan 2006-2007. May limampu’t pitong mag-aaral ang asignaturang ito sa lahat ng antas sa taong panuruan 2013-2014.
Layunin ng pananliksik na ito na tukuyin ang profayl, motibasyon, estratehiya ng pagkatuto at pananaw ng mga mag-aaral hinggil sa asignaturang Special Filipino ng Ateneo de Davao, Yunit ng Haiskul. Ginamit ng mga mananaliksik ang pamaraang descriptive survey at focus group discussion.
Batay sa resulta ng pag-aaral, higit na marami ang mga mag-aaral na lalaki (52.65%) kaysa sa mga babae (47.35%). Karamihan sa mga mag-aaral ay mula sa bansang korea (42.10%). Makikita rin sa datos na kahit na nasa parehong antas, nagkakaiba ang bilang ng taon ng kanilang pag-aaral ng wikang Filipino.
Nakakahigit ang mga mag-aaral na may motibasyong instrumental sa pag-aaral ng asignaturang Special Filipino, na may weighted mean na 5.0 sa apat na antas. Karamihan sa mga mag-aaral ay gumagamit ng estratehiyang compensating for missing language na mag weighted mean na 3.74.
Sa apekto ng pananaw ng mga mag-aaral sa nasabing asignatura, pinakamataas ang weighted mean sa paraan ng pagtuturo, (4.3). Sumunod dito ang mga natutunang kasanayan (4.24), kurikulum (3.53) at kagamitang pampagtuturo (3.2).
Batay sa pag-aaral na ito, iminungkahi ang mga sumusunod na hakbang tungo sa pagpapaunlad ng pagtuturo ng Special Filipino: muling suriin ang mga layunin at guidelines na kaugnay sa pagtuturo ng Special Filipino; bumuo ng angkop na language learning framework at mga pamantayang pangilalaman at pagganap; bumuo ng placement test para sa mga mag-aaral upang tiyakin na sila ay kabilang sa klase ng angkop sa kanilang kakayahan – Panimulang Filipino 1, Panimulang Filipino 2, Intermedyang Filipino 1 o Intermedyang Filipino 2 at paunlarin ang paggamit ng iba’t ibang estratehiya at kagamitan sa pagtuturo.
Request for Full Article (Please fill in the needed details. We will promptly respond to your request thru your e-mail.)
[contact-form-7 404 "Not Found"]