AUTHOR/S: Jean Lopez-Royo, Diana Gracia L. Lacano, Maida Limosnero-Ipong
DATE COMPLETED: July 28, 2014
KEYWORDS:
ABSTRACT
Ang pagbasa ay isa sa mahalagang kasanayan na dapat matutunan ng mga mag-aaral sa pagkatuto. Maraming pag-aaral ang nagpapatunay sa kabutihang dulot ng pagbasa sa pag-aaral ng mga mag-aaral na naging batayan ng paaralan sa pagbuo ng programa ng pagbasa sa Filipino dalawang taon na ang nakararaan. At bagamat nakadalawang taon ang nakararaan mula ng ito ay pinatupad ay minarapat pa rin ng mga mananaliksik na alamin ang “reading pattern”, kaalaman, pananaw, pag-uugali, karanasan at maging ang suhestiyon ng mga mag-aaral upang higit na mapabuti ang programa sa mga sumusunod na taon. Ang pag-aaral ay isinagawa sa Pamantasan ng Ateneo, yunit ng haiskul taong panuruan 2013-2014.
Layunin ng pag-aaral na malaman ang reading pattern, kaalaman, pananaw, pag-uugali, karanasan at maging ang suhestiyon ng mga mag-aaral sa programa ng pagbasa. Deskriptibong pagsusuri ang ginamit sa pagsusuri ng datos na nagmula sa talatanungan na sinagutan ng mga mag-aaral gamit ang SPSS.
Batay sa resulta ng pag-aaral na ito, napag-alaman na h indi naging konsistent ang mga guro sa pagpapatupad ng programa at ang mga mag-aaral ay may negatibong pag-uugali hinggil sa pagbasa ng mga akdang Filipino.
Inirerekomenda ng pag-aaral na ito na baguhin ang proseso ng programa ng pagbasa batay sa mga suhestiyon na inilahad ng mga mag-aaral sa pag-aaral na ito.
Request for Full Article (Please fill in the needed details. We will promptly respond to your request thru your e-mail.)
[contact-form-7 404 "Not Found"]