Ang Antas ng Maunawang Pagbasa sa Filipino ng mga Mag-aaral ng Baitang 9 ng Ateneo de Davao High School

AUTHORS: Evangeline D. Algabre, Mesfah G. Isunza, Elvira L. Tabamo

DATE COMPLETED: March 16, 2016

KEYWORDS:

ABSTRACT

             Ang pag-aaral na “Ang Antas ng Maunawang Pagbasa sa Filipino ng mga Mag-aaral ng Baitang 9 ng Ateneo de Davao High School” ay nabuo mula sa mithiing magkaroon ng dagdag na kasanayan ang mga mag-aaral sa paggamit ng iba’t ibang estratehiya tungo sa higit na mau- nawang pagbasa sa Filipino, na isang paraan upang mapaunlad ang Programa sa Pagbasa ng paaralan.

             Napiling tagatugon sa pag-aaral na ito ang tatlong daan at tatlumpu’t walong mag-aaral mula sa Baitang 9 ng Ateneo de Davao High School ng taong panuruan 2014 – 2015. Eksperimental ang pamamaraang ginamit sa pananaliksik na ito. Upang maisakatuparan ang pag-aaral na ito, gumamit ang mga mananaliksik ng mga talatanungan para sa panimula at pangwakas na pagtataya at modyul sa maunawang pagbasa ukol sa mga sumusunod na estratehiya: pagtukoy ng pangunahing kaisipan; pagtukoy sa layunin ng may-akda; paggamit ng mga pahiwatig na kontekstwal; pagbuo ng hinuha o prediksyon; at pagbuo ng konklusyon.

Request for Full Article (Please fill in the needed information. We will promptly respond to your request thru your e-mail.)

[contact-form-7 404 "Not Found"]